Dugyot na quarantine facility ipina-Tulfo

INIREKLAMO ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa programa ni Raffy Tulfo ang dugyot na quarantine sa San Pablo, Isabela.


Ayon kay Karen Ann Ramos, marumi at tila hindi pinaghandaan nang maayos ang facility na inilaan para sa mga umuwing OFW.


Sa mga larawang ipinakita ni Ramos sa “Idol in Action,” pinagdugtong-dugtong lamang na mga upuan ang kanilang higaan.


Dinalhan pa umano siya ng kanyang ina ng kutson para kahit paano ay may maayos siya na mahigaan.


Dagdag ni Ramos, wala ring tubig sa facility kaya naman kahit gusto nila itong linisin ay hindi nila magawa.


Sa panayam ni Tulfo, sinabi ni San Pablo Mayor Antonio “Jojo” Miro Jr. hindi pa umano niya nabibisita ang kalagayan ng mga naka-quarantine at sinabing pupuntahan niya ito kaagad.


Iminungkahi naman ni Tulfo na ipasara na ang naturang pasilidad dahil baka lalo pang magkasakit ang mga OFW na ika-quarantine doon.