DTI Secretary Pascual ni-reappoint ni Marcos

MULING itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Alfredo Pascual bilang secretary ng Department of Trade and Industry matapos mabigong makakuha ng kumpirmasyon sa Commission on Appointment.

Ginawa ni Marcos ang reappointment ni Pascual nitong Biyernes kasabay ng muling panunumpa sa Malacanang dahil sa paniniwalang ito ay competent sa kanyang trabaho.

Inilabas ng Office of the Press Secretary ang mga larawan ng muling pagtatalaga kay Pascual sa social media.

“Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa katungkulan ni Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry kahapon, Disyembre 16,” pahayag nito.

Na-bypass ng CA nitong Miyerkules ni PAscual sa huling araw ng sesyon ng Senado bago ang kanilang Christmas break.

“Kumpiyansa ang Pangulo sa patuloy ng pagganap ni Secretary Pascual ng kanyang tungkulin nang may buong puso para sa baya,” dagdag pa ng OPS sa kanilang post sa Facebook.