IBINASURA ang lahat ng kasong drugs na isinampa ng nakaraang administrasyon laban kay dating Senador Leila de Lima.
Ito ay matapos ibaba ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang desisyon sa ikatlo at huling drug cases na isinampa kay de Lima.
Noong nakaraang Nobyembre, pinayagan ng nasabi ring korte na makapagpiyansa si de Lima, pitong taon matapos siyang makulong.
Sa desisyon ng korte na pinamumunuan ni Presiding Judge Gener Gito, pinayagan nito ang demurrer to evidence na inihan ng dating senador na tuluyang nagababasura sa drug cases nito.
Inihain ang demurrer to evidence nang makita ng depensa na mahina ang ebidensiya ng hawak ng prosecution na naglilink sa dating mambabatas sa ilegal na droga.
“Assessing the totality of the evidence presented by the prosecution, the Court is of the firm resolve and so holds that the prosecution was not able to prove the guilt of all accused beyond reasonable doubt,” ayon sa ruling ng korte.
Pinawalang-sala rin ng korte ang co-accused ni De Lima na si dating Corrections Director Franklin Bucayu, at dating bodyguard Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jad Dera.
Una nang na-acquit si de Lima noong Pebrero 2021 nang ibasura ng Muntinlupa City RTC-Branch 205 ang isa sa tatlong drug cases.
Ang ikalawa ay noong Mayo 2023 ng linisin naman ng Muntinlupa RTC Branch 204 si De lima at Dayan, sa kasong illegal drug trading.