Drag queen Pura Luka Vega idineklarang persona-non-grata sa GenSan

MATAPOS umani ng samu’t saring batikos sa kanyang kontrobersyal na Hesukristo na drag performance sa rock version ng “Ama Namin”, idineklarang persona non grata ng Sangguniang Panlungsod ng General Santos si Pura Luka Vega.

Sa ipinasang resolusyon nitong Hulyo 18, tinuligsa ng Sanggunian ang ginawa ni Vega na umano’y nagmaliit sa pananampalataya ng milyong mga Katolikong deboto at sa pambabastos sa itinuturing na sagradong elemento ng Simbahan.

Sa resolusyon na isinumite ni Councilor Vandyke Congson, sinabi nito na dapat ay maging warning sa lahat ang ganitong uri ng aksyon na hindi ito-tolerate ng lungsod.

“This video clearly offended the sensibilities of the Christian community. Demeaning the faith of millions of Filipinos and disrespecting a very sacred element of the Catholic Church,” ani Congson.

“May this be a reminder or warning to all… that your government will not tolerate such activity in our beloved city of GenSan.”

Noong Hulyo 10, ipinost ni Vega ang video ng kanyang drag performance na umani ng iba’t ibang reaksyon.