MATAPOS halos ipako sa krus ng mga Pinoy sa pagkanta at pagsayaw sa remix version ng “Ama Namin” habang naka-costume bilang Kristo, itinanggi ng drag queen na si Pura Luka Vega na binastos niya ang Diyos, ang awit at ang mga deboto.
Sa tweet, ipinaliwanag niya na ang kanyang performance ay isang uri ng pagsamba.
“I’d like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone. On the contrary, it is a drag art of interpretation of worship,” ani Vega.
“I was very intentional of using a specific song and the symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion,” dagdag pa ng drag queen.
Matatandaan na nitong Lunes ay in-upload sa Twitter ni Vega ang video ng kanyang drag performance na kuha sa isang bar kung saan naka-costume siya bilang Hesus. “Thank you for coming to church!” caption niya.
Agad namang nag-trending ang naturang performance ni Luka dahil sa pagkokondena sa kanya ng mga Katoliko.