DOJ ‘tinuluyan’ Shiela Guo, Cassandra Ong sa kasong kriminal

NAHAHARAP sa samu’t saring kasong kriminal ang kapatid ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Guo at negosyanteng si Cassandra Li Ong.

Inirekomenda ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong disobedience to summons na inilabas ng Senado at paglabag sa RA 11983 dahil sa paggamit ng pekeng Philippine passport laban kay Shiela

Samantala, kasong disobedience to summons na inilabas ng Kamara at obstruction of justice for harboring, concealing or facilitating the escape of a criminal offender ang isasampa kay Ong.

Inihahanda na rin ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa rin ng kasong money laundering laban sa dalawa.

Posible ring maharap si Ong sa kasong human trafficking kaugnay sa POGO na ni-raid ng awtoridad sa Porac, Pampanga noong Hunyo.