DAHIL sa kawalan ng batas laban sa political dynasties, sinabi ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na hayaan na muna ang publiko ang magdesisyon kung gusto ba nila ng mga politiko na bahagi ng political dynasty.
Ginawa ni Tulfo ang pahayag matapos siyang pormal na maghain ng kanyang kandidatura sa pagkasenador ngayong Linggo sa Manila Hotel Tent City.
Ang kapatid nitong si Ben Tulfo ay naghain din ng kanyang certificate of candidacy sa pagkasenador nitong Sabado. Ang isa pa nilang kapatid na si Raffy Tulfo ay kasakuluyang senador.
“As long as there is no law yet, then we let the people decide. Kung may batas, then we stop. Matagal na usapin ‘yan eh. I believe, hindi titigil ‘yan hanggang walang batas. Kaya ang tao magde-decide,” ayon kay Erwin sa panayam sa media.
“Do they want one Tulfo, two Tulfos, three Tulfos? Do we want one Duterte, two Dutertes, three Dutertes? One Marcos, two Marcoses, three Marcoses? So, we let the people decide,” anya pa.