Diwata nakipagtagayan sa palengke

GAME NA GAME na nakipag-inuman ang street food sensation na si Diwata sa mga vendor sa Balintawak Market matapos siyang mamalengke.

Sa viral video, makikitang hindi tumanggi si Diwata nang tagayan siya ng beer ng isang tindero.

“Walang pulutan?” hirit niya.

Sigaw ni Diwata sa mga fans na pinaliligiran siya: “Tatagay muna ako.”

Makikita rin sa video na hindi nakapamalengke ng maayos ang business owner at social media personality dahil sa dami ng mga gustong magkipag-selfie sa kanya.

T-shirt, shorts at tsinelas lang ang suot ni Diwata nang namalengke.