Diwata hindi nagbabayad ng vlogger para dumugin paresan

PINANINDIGAN ng viral pares vendor na si Diwata na hindi siya nagbabayad ng mga vloggers para mag-trending ang kanyang tindahan.

Sa panayam ni Whamos Cruz, iginiit ni Diwata na sariling effort ng mga vloggers na gumawa ng content ukol sa kanyang paresan.

Aniya: “Hindi po totoo ‘yan! Wala po ako ni isang binayaran na vlogger.”

Paliwanag ni Diwata, siya pa ang binibigyan ng mga vloggers kapag kumita ang mga contents nika sa kanyang pares overload.

“Actually ‘yung iba diyan siguro na kumita, natutuwa ako pero hindi ko hinihingi sa kanila, minsan nag-aabot ng cash,” sabi niya.

Dagdag ni Diwata, bukas ang kanyang tindahan sa lahat ng mga gusto itong gawing content, kasama na pati mga bashers.