Diwata excited nang laplapin si Marvin Agustin

NANGAKO ang aktor na si Marvin Agustin na bibisitahin sa mga susunod na araw ang street food sensation na si Diwata sa tindahan nito sa Pasay.

Sa Facebook video ng isang Salomo 21, makikitang ka-video call ni Diwata si Marvin.

“Pagkakataon ko na sanang maka-kissing scene ka,” ani Diwata.

Hindi naman narinig ang sagot ni Marvin dahil sa sigawan ng mga tao na nag-aabang kay Diwata.

Agad ding natapos ang pag-uusap ng dalawa dahil sa mahinang signal.

Sa kaugnay na ulat, niregaluhan ng beauty brand CEO na si Rosmar Tan si Diwata ng mamahaling aso.

“Balita ko nga ‘yung isa daw nito nabenta ni madam ng P250,000, ngayon libre lang sa akin,” sey ni Diwata.

Sangkatutak na dog food din ang isinabay rito ng beauty brand-owner.

Matatandaan na kamakailan ay niregaluhan ni Rosmar si Diwata ng P1 million cash, house & lot, at P5 million ng halaga ng beauty products.