INIREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman ang preventive suspension kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa kalatas, inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos na lumikha ang DILG ng task force upang tingnan ang kaugnayan umano ni Guo sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operation sa Bamban.
Ani Abalos, nagsumite na ang task force ng kanilang ulat sa Ombudsman nitong Biyernes.
“The DILG recommended to the Ombudsman the issuance of a preventive suspension against Mayor Guo, to prevent any influence on the continuing investigations of our and other agencies,” sabi ng opisyal.
Matatandaan na nauna nang kinuwestyon ni Sen. Risa Hontiveros ang identity ni Guo.
Nagisa ang alkalde nang wala itong maipakitang opisyal na rekord upang patunayan na siya ay isang Pilipino.