PINANGUNAHAN ni Pangulong Duterte ang pagdiriwang ng ika-158 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City Martes ng umaga.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na maikukumpara ang ipinakitang tapang ni Bonifacio sa pagharap ng mga Pinoy sa banta ng coronavirus disease (Covid-19).
“Remembering the heroism of our gallant forebear which Bonifacio provided the sense of hope, determination and optimism for today’s generation of Filipinos, especially as we surmount difficult challenges in our time including the Covid-19 pandemic,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na dapat maging paalala sa lahat ang naging sakripisyo ni Bonifacio at ng mga bayani para sa bayan.
“May this event be a constant reminder of our invaluable contribution and selfless sacrifice of our heroes especially Gat Andres in paving the way for the liberty and independence that we enjoy today,” aniya.