Site icon Pinoy Publiko

Digong: Pakulong na lang ako

FILE PHOTO: President Rodrigo Duterte speaks during a ceremony marking the return of the three Balangiga bells taken by the U.S. military as war booty 117 years ago, at Balangiga, Eastern Samar in central Philippines December 15, 2018. REUTERS/Erik De Castro/File Photo

WALANG balak sumipot si dating Pangulong Duterte sa ginawang pagpapatawag sa kanya ng Quezon City Prosecutor’s Office para sagutin ang reklamong grave threat na isinampa sa kanya ni partylist Rep. France Castro ng ACT.

Ayon sa dating pangulo, mabuti pa umanong magpakulong na lang siya, kaysa sagutin ang subpoena ng prosecutor’s office na nag-uutos sa kanya na mag-appear sa tanggapan sa Disyembre 4 at 11 at magsumite ng kanyang counter-affidavit.

Sa kanyang programa sa SMNI, sinabi ni Duterte na ino-oppress daw siya ng kongresista.

“Magpakulong na lang ako. Kasi wala naman akong… Ino-oppress ako ni France,” ayon kay Duterte.

Exit mobile version