TODO-tanggi si dating Pangulong Rodrigo Durerte na sinabi niyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na noon ay hinamon niya na magpa-drug test.
“Wala ako sinabi na ganun. Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganun. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganun. Patayin ako ni Marcos niyan.
Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” ani Duterte. “If I can say it to Marcos, I can say it for all. Antibiotic, aspirin—they’re all drugs. Pero wala ako sinabi. Papatayin ako ni Marcos niyan. Takot pa naman ako mamatay, matanda na ako,” hirit pa ng dating pangulo.
Sa kanyang talumpati sa isang prayer rally noong nakaraang buwan, inilarawan ni Duterte na “bangag” ang Pangjulo. Nasa watchlist din aniya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Marcos.
“Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente. Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente,” deklarasyon ni Duterte.
Hindi naman nagpatinag si Marcos at inihayag na nakapagsasalita nang ganoon si Duterte dahil sa mga nilaklak nito na fentanyl. “I think it’s the fentanyl… It is highly addictive and it has very serious side effects.
And PRRD has been taking the drug for a very long time now. When was the last time he told us that he was taking fentanyl? Something like that. After five, six years it has to affect him,” wika ng Pangulo.