HINDI sinipot ni dating Pangulong Duterte ang preliminary investigation nang inihaing grave threat complaints ni ACT Rep. France Castro laban sa dating presidente nitong Lunes sa Quezon City prosecutor’s office, dahilan para i-reset ito sa Disyembre 15.
Sakabila nito, dumalo ang mga abogado ni Duterte na sina Penrose Ann Valles at Kristia Lorraine Caringal para tanggapin ang pormal na complaint at subpoena na inisyu laban sa dating pangulo.
Una nang inatasan ng Quezon City prosecutor office si Duterte na magsumite ng counter-affidavit para sagutin ang paratang ni Castro na grave threat na nag-ugat sa pahayag na ginawa ng dating pangulo sa kanyang Oct. 11 program na “Gikan Sa Masa, Para sa Masa” na Sonshine Media Network International (SMNI) na subject din ngayon ng imbestigasyon sa Kamara dahil sa mga sinasabing “fake news” na ikinakalat nito.