Diesel tataas ng P3.10/L

MULING magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo epektibo Martes ng hatinggabi.

Tataas ng P3.10 kada litro ang presyo ng diesel, samantalang aabot sa P1.70 kada litro ang presyo ng kerosene at 80 sentimo naman kada litro ang presyo ng gasolina.

Ito na ang ikatlong linggong sunod-sunod na pagtaaas ng presyo ng langis. Ayon sa mga eksperto, posibleng magtuloy-tuloy pa ito sa harap ng patuloy na panggigiyera ng Russia sa Ukraine.