Diesel magtataas ng P2.70/L; gasoline, P1.65/L

DAGDAG pasakit na naman ang naghihintay sa mga motorista sa Martes, Enero 21, 2025, dahil sa malakihang dagdag presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa abiso, magtataas ang presyo ng diesel ng P2.70 kada litro habang P2.50 naman ang itataas ng kerosene at P1.65 naman sa kada litro ng gasolina.

Ito ang ikatlong sundo na pagtataas ng produktong petrolyo simula ngayong 2025.