TODO-TANGGI ang content creator na si “Tito Mars” sa mga akusasyon na binabastos niya ang “pagkain ng mga mahihirap” gaya ng sardinas, tuyo at bagoong.
Sa isang video sa TikTok, ipinaliwanag ni Tito Mars na hindi niya binabastos ang pagkain ng mahihirap dahil itinuturing din niya ang sarili bilang mahirap.
Kung babastusin daw niya ang pagkain ng mahihirap, siya raw ang unang-unang matatamaan.
Nang sagutin naman niya ang tanong ng isang netizen kung talaga bang hindi siya kumakain ng sardinas, hindi na ito direktang sinagot ng content creator.
Choice na raw ng mga netizen kung ano ang paniniwalaan nila.
Paalala niya sa mga netizen, huwag daw panoorin ang videos niya kung hindi nila bet ang content na ipinakikita niya.
Bago ito, ilang netizens ang nanawagan na i-mass report si Tito Mars dahil sa “pang-aalipusta” nito sa mga pagkain ng mahihirap.
“Dapat igalang at pahalagahan ang kultura at pagkain ng bawat Pilipino. Hindi tama ang pagbabastos sa mga pagkain na nagbibigay sa atin ng sustansya at kasiyahan. Isama ang boses mo para ipaglaban ang dignidad at integridad ng ating pagkain,” ayon sa isang kontra sa content creator.