POSIBLENG ilabas na sa Biyernes ang desisyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) hinggil sa courtesy resignation na isinumite ng 953 heneral at colonel ng Philippine National Police, ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos.
“Just wait for us. It’s now with the Napolcom at ang uupo rito ay ako (bilang) chairman. Kasama ko rito ang bagong chief of the PNP na si Gen. Acorda, ang aming vice chairman would be si vice chairman Bernardo at may iba pang mga commissioners,” sabi ni Abalos.
Nauna nang inirekomenda ng five-man panel ang pagtanggap sa pagbibitiw ng dalawang heneral at dalawang colonel, bagamat hindi binanggit ang mga pangalan.
“I just want to reassure the public that we will make sure that there will really be a house cleansing but we also want to make sure na talagang lahat ng legalities ay observe natin rito,” aniya.