KLINARO Department of Education (DepEd) na wala itong ipinamimigay na cash aid sa mga estudyante na magtatapos ngayong buwan.
Ito ang sagot ng kagawaran sa mga naglalabasan na post sa social media
kaugnay sa matatanggap na cash aid para sa mga graduating students.
Ginagamit pa sa post ang larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte at ang logo ng ahensya.
“It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ani DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Cesar Bringas.
Ayon kay Bringas, wala silang programa na nagbibigay ng cash allowance o assistance.
“Wala po tayong programa na nagbibigay ng cash allowance or assistance for public schools and even private school learners,” sabi ng opisyal.