NANGUNA ang Department of Education (DepEd) sa mga top performing agencies sa third quarter survey na isinagawa ng OCTA Research group.
Sa isinagawang survey mula Sept. 30 hanggang Okt. 4, sinasabing 80 porsiyento ng mga tinanong ang nagsabi na natutuwa sila sa performance ng DepEd na pinangungunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Tanging limang porsiyento lamang ang nagsabing hindi sila satisfied dito habang 16 porsiyento naman ang undecided.
Ayon pa sa OCTA, 79 porsiyento naman ang tiwala sa DepEd habang tatlo ang hindi tiwala at 18 percent naman ang undecided.
Samantala, pumangalawa sa listahan ng mga top performing agencies ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakakuha ng 75 percent habang nasa ikatlo ang Department of Public Works and Highways (DWPH) at Department of Health (DOH) na parehong nakapagtala ng 74 percent.
Nasa ika-apat naman Commission on Higher Education (CHED) ng 73 percent.
Ilan naman sa pinakambabang nakakuha ay ang Department of Budget and Management (DBM), 32 percent; Department of Migrant Workers (DMW), Department of Trade and Industry (DTI) na 36 percent.
Tinanong ng OCTA ang may 1,200 respondents at may margin of error na plus/minus three percent.