TINIYAK ng pamunuan ng Department of Educaiton na nakikipagtulungan ito sa Commission on Audit matapos ang report nito na bumili ang kagawaran ng diumno’y overpriced ngunit outdated na laptop para sa mga guro.
Sa briefing, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na hinihintay na lamang nila ang feedback ng COA tungkol sa isinumite ng departamento na “documentary requirements” kaugnay sa biniling mga laptops.
“We are responding to whatever COA wants us to respond on. And then we’ll see kung ano iyong final determination ng COA,” ani Poa.
“We will always work and cooperate with COA for the improvement of our processes here in DepEd,” dagdag pa niya.
Sa 2021 report ng COA, na-flag ang DepEd dahil sa paggastos nito ng P2.4 bilyon sa pagbili ng laptop sa pamamagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM-PS).
Ayon sa COA, ang budget na inilaan ay para sa 68,500 ngunit 39,583 lamang ang nakakuha ng laptop.
Bukod dito mabagal din ang mga nasabing laptop dahil ang processor nito ay ang outdated Intel Celeron.