HINILING ng Department of Education sa Commission on Audit na tingnan ang posibilidad na may panlolokong naganap sa pagbili ng P2.4 bilyong laptop na para sa mga guro ng Procurement Services of the Department of Budget and Management (PS-DBM).
Nagbigay na ng go signal si Vice President at Education Secretary Sara Duterte para hilingin sa COA ang fraud audit, ayon kay DepEd Chief of Staff and undersecretary Epimaco Densing.
Nauna nang na-flag ng CoA and DepEd dahil sa overpriced at outdated na pagbili nito ng laptop para sa mga guro.
Sa press briefing, sinabi ni Densing na ang P2.4 bilyong pondo na ginamit na pambili ng laptop ay hindi galing sa regular budget ng departamento kundi mula sa Bayanihan to Recover As One Act.
“We were very specific on the specifications of the laptops, so itong mga areas na ito ang gusto naming iklaro, gusto naming tignan. At ayaw naming manghusga muna ngayon, dahil maski sa presyo ng ating mga binibili, nag-iiba ‘yan from time to time based on the demands,” ayon kay Densing.
Bumili ang DepEd ng mga nasabing laptop sa pamamagitan ng PS-DBM para mapabilis ang proseso at upang hindi maabutan ng deadline na ayon sa batas.