TARGET ng Department of Education (DepEd) na maipatupad ang 100 porsiyentong face-to-face classes sa susunod na academic school year.
Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na sa kasalukuyan, umabot na sa 34,238 paaralan ang nakapag-in-person classes, kung saan 33,000 ang pampublikong paaralan at 1,174 ang pribadong paaralan.
“This is already 73.28% sa total number of public schools. Basta may clearance galing sa Department of Health, at saka sa tingin namin ay pumapayag naman ang mga local governments at saka may consent ng mga parents ay talagang tinutuloy na natin ang face-to-face classes,” sabi ni Briones.
“Sa next academic school year, ini-expect natin a fully 100% na talaga ang pag-implement ng face-to-face,” dagdag ni Briones.
Matatandaan na dalawang taon nasuspinde ang face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Sinimulan ang limited face-to-face classes sa ilang paaralan noong nakaraang taon.