MAAARI nang tumanggap ng mga bisita si Deniece Cornejo sa kulungan, ayon sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.
Kasalukuyang binubuno ni Deniece ang parusang reclusion perpetua matapos siyang mapatunayang nagkasala, kasama ng tatlong iba pa, sa kasong serious illegal detention na isinampa ni TV host-actor Vhong Navarro.
Ayon kay Senior Insp. Marlon Mangubat, hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) Public Information Office, maaari nang dalawin si Deniece sa CIW Reception and Diagnostic Center (RDC) kung saan siya mananatili ng 60 araw.
Bago ito sinabi ni Mangubat papayagang mabisita si Deniece sa RDC matapos ang 15 araw mula sa unang araw ng pananatili niya roon. Ang ika-15 araw niya roon ay noong Mayo 16.
Dumalo si Deniece sa promulgasyon ng kaso noong Mayo 2 at agad na dinala sa CIW makaraang ibaba ang hatol.
Nakalulong naman sa New Bilibid Prison ang mga kapwa niya akusadong sina Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero.