NASAPUL ng cellphone camera nang himatayin si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Independence Day flag raising rites sa Rizal Park Linggo ng umaga.
Agad namang itinakbo sa pagamutan ang kalihim.
Napag-alaman mula kay Sen. Bong Go na puyat si Lorenzana dahil kagagaling lang nito sa biyahe.
“Nabigla na lang po ako na tumama ang ulo niya sa semento. Nung nakausap namin, sabi niya nahihilo raw po siya. pero nakapagsalita naman. He’s stable naman po. Dinala ng ambulansya sa ospital,” ani Go sa panayam.
“I think walang tulog kagagaling lang sa biyahe. Mahirap talaga pag walang tulog at mainit ang panahon. Bigla lang siyang nahilo, ‘yun lang narinig ko sa kanya,” dagdag niya.
“Sana po’y okay siya. Sabi kanina ng mga medical team na he’s stable naman po. Let’s pray for him,” sabi pa ng senador.
Samantala, matapos ang ilang oras ay bumuti rin ang kalagayan ng kalihim.
Sinabi ni National Defense Sporkesperson Diretor Arsenio R. Andolong na kasalukuyang nagpapahinga si Lorenzana.
“The SND just arrived from Singapore early this morning after attending the IISS Shangri-La Dialogue and meeting with his foreign counterparts. The Secretary also traveled recently to South Korea and other parts of the Philippines, while overseeing the defense operations of the country and transition to a new administration,” sabi ni Andolong.
Aniya, ang hectic na iskedyul sa mga nakalipas na araw at mainit na panahon sa Luneta ngayong araw ang nagdulot ng kanyang pagkapagod.