GINULAT ng magnitude 6.7 na lindol ang Davao Occidental at mga karatig lugar nito Martes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang pagyanig alas 4:48 ng umaga. Tectonic ang origin ng lindol na ang epicenter ay natunton sa offshore ng Davao Occidental, 183 kilometro timogsilangan ng Balut Island, Sarangani.
Naramdaman ang Intensity IV sa Glan, Malungon, at Kiamba, Sarangani.
Intensity III naman ang naitala sa General Santos City, Koronadal, Tupi, Polomolok, at T’boli, South Cotabato; Alabel, at Malapatan, Sarangani; Matalam, Cotabato habang Intensity II naman ang naramdaman sa Tampakan, Tantangan, Banga, Norala, Santo Niño, Surallah, at Lake Sebu, South Cotabato; City of Zamboanga; Maitum, Sarangani; Kidapwan, Makilala, M’lang, Pigcawayan, Tulunan, and Kabacan, Cotabato; President Quirino, Sultan Kudarat.
Intensity I naman sa Cagayan de Oro City; Maasim, Sarangani; Arakan, Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat.
Umabot na rin sa 38 aftershocks ang naitala ng Phivolcs, pinakamalakas ay naitalang magnitude 3.8.
Nitong Linggo, libo-libong mga isda ang nag-beach sa dalampasigan ng Sarangani.
Dahilan ng iba, may senyales umanong dala ang pagdagsa ng mga isda.