Darryl Yap pinagtripan show ni Vice, maglalabas ng parody na ‘Shametime’

INANUNSYO ng direktor na si Darryl Yap na malapit nang ilabas sa social media ang “Shametime,” ang parody ng noontime show na “It’s Showtime.”

“Malapit na nating makilala ang mga hosts ng nag-iisang noontime show sa hatinggabi. Anumang lahi, Anumang Kulay. Sama sama kayong Maookray! This is your Shame. This is your Time. Magpahiya na. Its #SHAMETIME. B-asta WA-Lang K-asalanan #bwakbwakbwak,” ayon sa post ng film production na VinCentiments nina Yap at Vince Asis.

Tinawag din na “madlang pulpol” sa post ang mga viewers ng “Shametime.”

“Gusto mo bang Mapahiya? o Gusto mo lang Mamahiya? It’s your Shame It’s your Time

Mamahiya na! Its…Shametime,” pang-engganyo nito sa mga netizens.

Agad namang nag-react ang mga fans ng Kapamilya noontime show at sinabing i-report at kasuhan ang nasa likod ng parody.

“Sana mareport, at mawala social media nito, makasuhan din ang taong gumawa nito, mga walang hiyang taong ito, sawsawero eh, dadamay pa it’s Showtime.”

“Gumawa na po kayo aksyon dyn ni meme vice ganda idemanda ninyo po yan mga yan Grabe ang galit ni darryl Yap ky meme vice nku po kylngan ninyo po sila idemanda Baka ano pa gawin ni Darryl Yap ky meme vice.”

“Meme banatan mo yang darryl yap na yan gigil na gigil ako diyan.”

“Sana i-demanda niyo yang Darryl yap and friends, @vicegandako @ABSCBN They are using your trademark (without permission for sure), and for demolition job pa.”

“@ABSCBNNews @its showtime silent pa rin kayo, binabalahura na kayo ng felling relevant at sawsawero na direktor.”