Dalagita nalunod sa graduation party ng utol

NALUNOD ang isang dalagita habang ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang graduation ng kapatid sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ng mga kaanak ang 17-anyos na biktima na nakalutang sa pool.

Sinabi ng ama ng biktima na dahil abala ang bawat isa sa kanila ay hindi nila napansin na lumangoy sa malalim na bahagi ng swimming pool ang anak.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.

Hindi sinabi sa ulat kung magsasampa ng reklamo ang pamilya laban sa resort.