DA: Mag-ingat sa karne na nabibili online

NAGBABALA si Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista laban sa mga nabibiling frozen na karne sa online.

Ayon kay Evangelista, sa isang panayam sa DZBB, ang mga frozen meat na ibinibenta online ay hindi dumadaan sa meat inspection ng departamento.

“With the help of our stakeholders, meron silang ipinapadala sa amin madalas po online selling ang nangyayari. Some meat are being sold, mga frozen, minsan mga chicken,” sabi ni Evangelista sa isang panayam sa DZBB.

“Our separate team is looking into the legality of those produce. How it got into the country, kami naman ay yung food safety sa consumers. Para bibili ka ng pack ng manok online, alam mo ba how that was handled. Yung meat na frozen tapos dinifroze mo na, ipa-freeze mo ulit, may health implication,” aniya.

Idinagdag ni Evangelista na posibleng mga smuggled ang binibiling karne sa online.

“We’ve seen there were some misdeclaration, pagbukas, iba pala ang laman,” dagdag ni Evangelista.