TILA proud ang veteran showbiz columnist at host na si Cristy Fermin sa bago niyang kinahaharap na asuntong cyber libel.
Nitong Biyernes ay sinampahan siya ng reklamo ng Megastar na si Sharon Cuneta at mister na si dating senador Kiko Pangilinan.
“Territorial po ang mga ganitong kaso, ‘yung libel case, cyber libel — it comes with the territory,” aniya sa kanyang programang Cristy Ferminute.
“Pero pataas nang pataas ang mga level ha. Talagang tumataas ang mga level ng mga demandahan ha. From Sarah Lahbati to Bea Alonzo, Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod, si Julia Roberts na?” dagdag ni Cristy.
“Naiintindihan natin kung saan sila nanggagaling. Wala pa po akong masasabi, wala pa po kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan po natin ito. Kasama po iyan sa ating trabaho bilang mamamahayag,” chika pa niya.
Biyernes ng umaga nang magtungo sina Sharon at Kiko sa Makati City Prosecutor’s Office para magsampa ng cyber libel complaint laban kay Cristy.
Kamakailan lang ay naghain din ang aktres na si Bea Alonzo ng kaparehong reklamo laban sa showbiz columnist.