KINUMPIRMA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagkamatay ng mga lider nito, ang mag-asawang sina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon na ayon sa kanila ay sumailalim sa torture.
Idinagdag ng CPP na umabot ng ilang buwan para imbestigahan ang pagkamatay nina Benito o Ka Laan, chairperson ng central committee, at Wilma o Ka Bagong-tao, ang secretary-general ng grupo.
Nauna nang lumutang ang ispekulasyon na namatay ang dalawa sa nangyaring pagsabog ng isang bangka sa karagatan ng Samar noong 2022 matapos ang isinagawang operasyon ng militar.
“Information gathered by the Central Committee, the Tiamzons suffered severe beating in the hands of their captors. Internal reports cited witnesses who saw how the faces and bodies of the victims were smashed, apparently beaten with hard objects,” sabi ng CPP.
“The claimed mid-sea firefight and explosion were all a drama hatched by the AFP and its US military advisers, to hide all evidence of the ignominy of their fascist crime,” ayon pa sa CCP.