GINULAT ang mga consumers ng dagdag presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Pebrero.
Sa magkakahiwalay na advisory, nag-abiso ang Petron at Solane-branded LPG products ng dadgag na 70 hanggang 73 sentimo sa kada kilo ng LPG o P7.70 hanggang P8.03 sa regular na 11-kg na tangke, simula ngayong Sabado, Pebrero 1.
Ang Cleanfuel ay nag-abiso rin na magtataas ito ng presyo ng kanilang automobile LPG na 35 sentimo kada litro.
Ayon sa datos mula sa Department of Energy, ang presyo ng 11-kg na LPG tank sa Metro Manila bago ang panibagong pagtataas ay naglalaro mula P860 hanggang P1,140, habang ang auto LPG naman ay P42.55 kada litro.