Confirmed: Alice Guo nakalabas na ng Pinas

KINUMPIRMA ngayong araw ng Lunrd ni Sen. Risa Hontiveros na nakalabas na ng bansa si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ani Hontiveros, lumipad si Guo AKA Guo Hua Ping pa-Malaysia noong July 17 gamit ang kanyang Philippine passport.

Mula Malaysia ay tumuloy si Guo sa Singapore kung saan nakipagkita siya sa mga magulang na sina Lin Wen Yi at Guo JianZhong.

Nagtataka naman ang senadora kung paano nakalabas ng bansa ang alkalde.

“Hindi makakaalis si Alice Guo kung walang tumulong sa kanya na mga opisyales ng pamahalaan. Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika,” sambit niya.

“Nangako ang BI (Bureau of Immigration) sa akin at si Senate President Pro Tempore na hindi nila hahayaan si Guo Hua Ping na makaalis sa Pilipinas, eh yun pala ay wala na talaga siya,” dagdag niya.