NAGPALABAS ng bagong iskedyul ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Kabilang sa mga binagong iskedyul ay ang simula ng election period na itinakda mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29 mula sa orihinal na date na Hulyo 3 hanggang Nobyembre 14, base sa ResolutionNo. 10902 na inapurbahan ng Comelec en banc nitong Marso 22.
Dahil dito, paiiralin na ang gun ban sa pasimula ng election period. Bukod sa gun ban, bawal na rin ang pagkuha ng security personnel o bodyguard ng mga kandidato; mag-raise ng pondo sa pamamagitan ng pasayaw, lotteries, sabong; vote buying at vote selling.
Ang campaign period naman ay mula Oktubre 19 hanggang 28. Bawal mangampanya simula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18.
Ang botohan ay magsisimula ng alas-7 ng umaga ng Oktubre 30 at magtatapos ng alas-3 ng hapon.On Election Day, voters may vote from 7 a.m. to 3 p.m.
Ang filing naman ng candidacy ay una nang inanunsyo ng Comele na gagawin sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 mula sa orihinal na Hulyo 3 hanggang 7.