Coed tumalon sa MRT Taft Station footbridge

NASAWI ang isang college student na lumundag mula sa footbridge ng MRT Taft Station sa Pasay ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat, dead on the spot ang 19-anyos na biktima dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-4:30 nang maispatan ang babae na umakyat sa railings ng MRT. 

Bago pa mapigilan ang biktima ay nakatalon na ito.

Napag-alaman na mayroong problema sa pamilya ang biktima base sa kuwento ng isang kaibigan nito na nakatanggap ng mensahe at larawan ilang oras bago ang insidente.