INIHAIN Sen. Sherwin Gatchalian nitong Lunes ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang electronic gadgets tuwing oras ng klase.
Naniniwala si Gatchalian na sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill No. 2706, ang panukalang Electronic Gadget-Free Schools Act, makapagpo-focus sa kanilang leksyon ang mga mag-aaral.
Ayon kay Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang senior high school sa public at private schools.
Magíng ang mga guro ay pagbabawalan na gumamit ng electronic gadgets tuwing oras ng klase.
Binanggít ni Gatchalian na ayon sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 ay walo sa bawat 10 mag-aaral na may edad na 15 ay nahihirapang tumutok sa pag-aaral dahil sa paggamit ng smartphone.
Partikular na naapektuhan ng paggamit ng cellphone ang mga grado ng mga estudyante sa Math, Science at Reading.