BILANG pakikisa at pakikidalamhati sa mga Filipino na sinalanta ng bagyong Odette, iniutog ng Korte Suprema na huwag buksan ang mga Christmas lights sa lahat ng korte sa buong bansa.
Sa isang kalatas, sinabi rin ng Korte Suprema na bubuksan lamang ang pampailaw sa sandaling naibalik na ang suplay ng kuryente sa lahat ng lugar na apektado ng kalamidad.
“In sympathy and in the spirit of the season, the Justices have decided to turn off all Christmas lights in all courts nationwide and in their official residences in Baguio City, until power supply is restored in the typhoon-affected areas,” ayon sa kalatas ng Korte Suprema.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 236 bayan ang naiulat na nawalan ng kuryente dala ng hagupit ni Odette.
Naibalik na ang suplay ng kuryente sa 34 lugar pa lamang.
Iniutos din ng Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagpapalabas ng calamity assistance sa lahat ng court employees na nasalanta ng bagyo.
“The Chief Justice has approved the release of calamity assistance to affected court personnel. All members of the Court have, on their own and as a group, made donations or helped out in the relief efforts,” dagdag pa ng korte.
“This is a season for compassion and kindness, for reaching out and sharing as much as we can to ease the suffering of others. Without empathy, there can be no justice” ayon pa rito.
Nauna na ring inutos ng Office of the Court Administrator na pansamantalang suspindihin ang period ng filing ng pleading at submission sa mga affected na korte mula Dis. 20, 2021 hangga Enero 3, 2022.