Chris Tiu suportado si Shaira sa ‘no sex before marriage’

BILIB ang basketball player na si Chris Tiu sa aktres na Shaira Diaz sa pananatili nitong virgin sa mahigit 11 taon na pakikipagrelasyon kay EA de Guzman.

Ayon kay Chris, inilaan din nila ng asawa niyang si Clarisse Ong ang isa’t isa pagkatapos ng kanilang kasal noong 2013.

“I agree with Shaira. I’m also very catholic and I got a lot of guidance from my parents as well,” ani Chris.

“I think, the same thing about my wife, we believe that you should save your most intimate self for your partner—the one that you’ve chosen to spend the rest of your life with whom you’ve been blessed by God. So, agree ako doon,” dagdag niya.

Kamakailan ay sinabi ni Shaira na walang nagaganap na pagsisiping sa kanila ng fiance na si EA dahil hindi nakalagay sa Bible na maaaring ang magtalik ang dalawang tao bago ikasal.

“Naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice,” paliwanag ni Shaira.

“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” dagdag ng aktres.