INAMIN ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na mahihirapang maaprubahan sa Senado ang panukalang Sexual Orientation, Gender Identity or Expression or Sex Characteristics hangga’t hindi inaamyendahan ng mga nagsusulong nito.
“Sa pagkakaalam ko, may mga panukalang amendment dito sa bill na ito bago ito tuluyang mapasa. Pero sa kwentuhan din bago pa man ako naging tagapangulo ng Senado, mas malaki ang tsansa makapasa ng anti-discrimination kumpara sa SOGIESC bill, unless nga ‘yung mga amendments ay mapagbibigyan,” ani Escudero.
“Partikular sa pagkakaalala ko ito’y may kinalaman sa ‘ika nga panghihimasok naman sa indibidwal na opinyon ng ibang mga tao na taliwas o di sang-ayon sa opinyon naman ng iba kaugnay ng SOGIE bill na dapat galangin rin yun,” paliwanag ni Escudero.
Kaugnay nito, itinanggi ni Sen. Joel Villanueva na hinaharang niya ang debate sa plenaryo kaugnay sa nasabing panukala.
“Doon sa mga nagsasabing si Joel Villanueva ang dahilan, bakit ‘di n’yo kausapin ‘yung mga senador? Bakit ‘di n’yo kausapin ang majority ng miyembro ng Senado at sabihing ilabas ‘yan at doon dalhin sa plenaryo, because I have no problems debating with it. I have no problems raising the issues that I wanted to raise and the dangers of passing this very controversial measure,” giit ni Villanueva.
“I have nothing against LGBT. I will say it again I am very, very close to a lot of the members of the LGBT community. Halos ‘yung ilan sa kanila, once every two weeks, once every every month nakakasama ko, nakaka-fellowship ko, nakakatawanan ko, nakakadaupang-palad ko, and I would say na I’m very na kaibigan ko sila.”
“Most if not all of them are saying, wala silang diperensya. ‘Di kami kailangang bigyan ng very, very, very, very important treatment, sapagkat we just wanted equality.’ And I agree with them and all of us deserve equality,” dagdag ng senador.
Noong December 2022 ay nakalista sa Senate weblist na “Pending Second Reading in the Calendar of Ordinary Business” ang status ng panukala at naipasa sa Committee on Rules “for further study” noong on February 2023.
Hirit ni Villanueva, desisyon ito ng majority ng mga senador.
“The majority wanted to talk it over and there are serious concerns raised by a lot of sectors who were not invited so again to cut the story short….so then go to the majority of the members and ask them to act on it.” wika niya.