NAMBULLY na naman diumano ang Chinese coast guard nitong nakaraang linggo.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) “tinutukan” ang isa sa kanilang barko ng “military-grade” laser ng Chinese vessel.
Nangyari ito noong Pebrero 6 habang ang sasakyan ng PCG ay umaalalay sa rotation at resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal (Second Thomas) sa West Philippine Sea.
Sabi pa ng PCG, dalawang beses tinutukan ng berdeng ilaw ng China Coast Guard (CCG) vessel na bow number na 5205 ang BRP Malapascua, dahilan para masilaw ang crew members na naka duty sa brdige o main command center pasado alas-6 ng gabi.
“The PCG condemns any actions that harm and jeopardize the safety of everyone regardless of nationality,” ayon kay PCG commandant Adm. Artemio Abu.