Chavit magpapaulan ng P7M sa birthday

AABOT sa P7 milyon ang ipara-raffle ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa kanyang kaarawan sa June 21.

Sa Facebook, inihayag ni Chavit na naideposito na niya ang pera para mapatunayang legit ang online raffle.

“This year, magpapa-raffle ako ng ₱7 million. Ipapakita ko sa screen, naka-live,” aniya.

Klinaro naman ng negosyante na hindi lang isa kundi 601 katao ang mananalo sa palabunutan.

Ani Chavit, isa ang magwawagi ng P1 milyon habang 600 ang mananalo ng tig-P10,000.

Para makasali sa raffle, kinakailangang mag-download at mag-sign up sa “e-Gracia,” isang digital wallet gaya ng GCash. Available ito sa Play Store at App Store.

Kapag may account na, i-fill out lamang ang  registration form. 

Paliwanag ni Chavit, sa nasabing account ipadadala ang premyo sakaling manalo.