NAG-landing ang chartered plane na lulan si dating Pangulong Duterte sa Dubai para sa short layover. at refueling.
Dumating ito sa Dubai pasado alas-8 ng umaga nitong Miyerkules, base sa data ng flightradar.
Umalis sa bansa ang chartered plane na Gulfstream G550 jet na may tail number na RPC5219 alas 11:03 ng gabi ng Martes.
Kasama ni Duterte sa eroplano ang dati niyang Executive Secretary na si Salvador Medialdea, isang nurse at personal assistant ng dating pangulo.
As of posting time, ang eroplano ay patungo na sa Tha Hague, Netherlands, kung saan dadalhin at isusuko si Duterte sa International Criminal Court para sa gagawing paglilitis sa kanya sa kasong crimes against humanity.
Chartered plane ni Digong nag-landing sa Dubai para sa refueling
