Cedric Lee sumuko sa NBI

SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee ilang oras matapos siyang mahatulan ng korte, kasama ang modelong si Deniece Cornejo at dalawang iba pa, sa kasong serious illegal detention na isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro.


Sinabi ni NBI director Atty. Medardo Dilemos na sinundo ng kanyang mga tauhan si Lee sa Mandaluyong matapos itong magpadala ng surrender feelers.


Isinailalim si Lee sa mugshot at fingerprinting matapos na sumuko.


Bago ito, napatunayan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 na guilty beyond reasonable doubt sa serious illegal detention for ransom sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code sina Lee, Cornejo, Ferdinand Guerrero, at Simeon Razguilty.


Hinatulan sila ng parusang reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon.


“It is all too apparent that the accused planned and premeditated to restrain Vhong Navarro to extort money from him. Proof of their agreement is inferred from their conduct before, during, and after the commission of the crime,” ayon sa korte.


Hawak na rin ng mga otoridad sina Cornejo at Raz habang tinutugis pa si Guerrero.