NAGBANTA si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa mga nagsasagawa ng hindi otorisadong testing at culling ng mga baboy sa lalawigan.
Ayon kay Garcia, mahaharap sa pagkakaaresto ang sinoman na hindi susunod sa memorandum na kanyang inilabas na nagbabawal sa anumang ahensiya, kabilang na ang Bureau of Animal Industry (BAI) na kumolketa ng samples, serum, tissue o anumang organ ng baboy na naiulat na apektado ng African swine fever (ASF) sa ilang bahagi ng lalawigan.
Idiniin ni Garcia na tanging ang municipal o city agriculturist at veterinarians ang pinapayagan na gumawa ng testing.
“The mayor and the PNP are called upon to monitor the strict implementation of this memorandum,” ayon sa kanyang memorandum.
Pinaaresto ni Garcia ang mga inidbidwal kabilang na ang mga personnel ng BAI kung ipipilit nito ang pagsasagawa ng testing at culling.
“I am calling on all the mayors of the Province of Cebu, I am reminding them that I did issue this memorandum last 22nd of March 2023. (To) the Mayors and the PNP, and I am calling on the provincial director, Col. Rommel Ochave, and all chiefs of police, they are called upon to monitor the strict implementation of this memorandum,” pahayag ni Garcia.