INUGA ng magnitude 6.6 na lindol ang Catandandes alas-8:54 Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng state bureau na naitala ang sentro ng lindol, na may lalim na siyam na kilometro, 120 kilometro katimugan ng Gigmoto, Catanduanes.
Naramdaman ang Intensity 2 sa Palo, Leyte. Naitala rin ang Instrumental Intensities 4 sa San Jorge, Samar; Instrumental Intensity 2 sa Legazpi City, Legaspi, ALbay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili, Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog, Leyte; San Roque, Northern Samar; Bulusan, Prieto Diaz, Sorsogon; at Instrumental Intensity 1 sa Ragay, Pasacao, Camarines Sur; Quinapondan, Eastern Samar; Palo, Alangalang, Leyte; Monreal, Uson, Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, Quezon; at Donsol, Sorsogon. Naglabas din ang Phivolcs ng tsunami alert bunsod ng lindol. Ayon sa Phivolcs, inaasahan din ang mga aftershocks at pinsala dulot ng pagyanig.
Nag-iyu rin ng tsunami warning ang Phivolcs at inalis din ito Miyerkules ng umaga.