SINAGOT ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang ginawang “pagtalak” ni Senador Imee Marcos habang ipinagtatanggol si Vice President Sara Duterte laban sa diumano’y mga “gigil na gigil” na kongresista na nais magsampa ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo.
Ayon kay Castro, bahagi ng demokrasya ang pagsasampa ng impeachment.
“Impeachment is a constitutional mechanism that serves as a recourse for the people against abuse by high government officials. It is an essential part of our democratic processes to ensure that leaders remain accountable to the people they serve,” pahayag ni Castro.
“Gigil na gigil na ang taumbayan para malaman kung saan ginastos ang iligal na P125 milyon confidential fund ni VP Duterte at dahil iniiwasan niyang sumagot nang matino sa mga mambabatas ay mukhang winaldas nga ito sa di dapat ayon nga sa COA (Commission on Audit),” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Imee na tila hinahamon ng mga kongresista ang 32 milyong Pinoy na bumoto kay Duterte noong 2022 presidential elections.