Cassandra Ong kulong naman sa Kamara

HABANG nasa Senado si Shiela Guo, kulong naman si Whirlwind Corporation incorporator Katherine Cassandra Li Ong sa Kamara.

Kinumpirma ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nakadetine na ngayon sa Kamara si Ong, ang sinasabing natatanging link sa Lucky South 99, ang Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Porac, Pampanga na nilusob ng mga awtoridad noong Hunyo 4.

Sinasabing dawit si Ong sa nasabing Pogo operation.

“Cassandra Li Ong’s presence is important because she is our only link to Lucky South 99 and other illegal POGO hubs that were raided by the PAOCC.  Her participation is big because she appears to be the liaison between these illegal Pogos and Pagcor,” ayon kay Barbers, chair ng House committee on dangerous drugs.

Si Ong din anya ang posibleng makapagbigay ng impormasyon hinggil sa mga owners, abogado at incoporators ng nasabing Pogo.