Carlos Yulo kay Chloe San Jose: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

HALOS ipagsigawan ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang pagmamahal niya kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

Sa kanyang Facebook post ay ibinandera ni San Jose ang bagong kulay ng kanyang buhok.

“Goldilocks out, milktea in,” ani San Jose. Agad nagkomento si Yulo sa post ng kasintahan.

“Grabe napaka ganda mo mahal ko😍😍😍,” sey ng gymnast.

“I love you forever,” lambing ng dalaga. Isa namang nakakakilig na gif ang sagot dito ni Yulo.