Carlos, Chloe fly first class to Paris

IBINIDA ni Chloe San Jose ang “travelling in style” nila ng boyfriend na si Carlos Yulo pabalik ng Paris, France.

Sa Instagram, shinare ni Chloe ang ilang photos nila ni Carlos kung saan makikita na nakasakay sila sa first class cabin.

“Too cute my bebi,” caption niya sa photo ng gymnast.

Pupunta ang dalawa sa Paris para manood ng Paralympic Games na inisponsaran ng Toyota Philippines.

Matatandaang nasungkit ni Carlos ang dalawang gold medals sa Paris Olympics na ginanap noong nakaraang buwan.